PatrolPH

3 mangingisda natagpuan matapos mawala sa laot sa Batanes

Harris Julio, ABS-CBN News

Posted at Aug 27 2020 11:01 PM

Natagpuan na nitong Huwebes ang tatlong mangingisda na nawawala matapos pumalaot sa Batanes noong Agosto 20.

Ayon sa provincial government, isang grupo ng mga mangingisda rin ang nakahanap kina Eduardo Elica, Antonio Lizardo, at Florentino Alviso sa isla ng Dinem.

Doon umano sila napadpad nang maghanap ng matutuluyan matapos na makaranas ng masamang panahon sa dagat.

Nakauwi na sa kani-kanilang mga pamilya ang tatlong mangingisda.

Sila ang sumisimbolo sa katatagan at matibay na pananampalataya ng mga Ivatan, ayon sa provincial government.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.