Pulis natagpuang patay sa loob ng quarters sa Davao Oriental

Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Posted at Aug 27 2019 07:18 PM

Natagpuang duguan at wala nang buhay ang isang pulis sa loob ng quarters nito sa Barangay San Ignacio sa bayan ng Manay, Davao Oriental Martes ng hapon.

Base sa imbestigasyon, isang kasamahang pulis ang nakarinig umano ng putok ng baril galing sa kwarto ng biktima.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.