P2.4-M halaga ng 'shabu' nasamsam sa Negros

ABS-CBN News

Posted at Aug 27 2019 02:59 AM | Updated as of Aug 27 2019 05:33 AM

NEGROS ORIENTAL (UPDATE)—Nasamsam ng mga awtoridad ang nasa P2.4-milyong halaga ng hinihinalang shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Negros Island Lunes ng gabi.

Sa Dumaguete City, Negros Oriental, nakuhanan ang isang lalaki ng P2-milyong halaga ng umano'y shabu.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), itinuturing nilang high-value target ang 25 anyos na suspek na isang taon pa lang nakalabas sa kulungan.

Nagbebenta rin umano sa kalapit na lungsod, maliban sa Dumaguete City, ang suspek. Inaalam ng mga operatiba kung kasama ang suspek sa isang drug group.

Samantala, nakumpiska rin sa isang lalaki ang nasa P374,000 halaga ng hinihinalang shabu sa Bacolod City, Negros Occidental.

Itinuturing din ng PDEA na high-value target ang 32 anyos na suspek.

Ikinasa ang operasyon matapos isumbong ang ilegal na gawain ng suspek.—Ulat ni Martian Muyco, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.