'Drug supplier' huli sa P1.3-milyong shabu sa Quiapo

ABS-CBN News

Posted at Aug 27 2019 04:36 AM

MAYNILA—Arestado ang isang hinihinalang drug supplier sa Quiapo, Maynila Martes ng madaling-araw.

Nakumpiska sa suspek ang nasa 200 gramo ng umano'y shabu na may halagang P1.3 milyon.

Nabilhan ng nagpanggap na buyer ang suspek ng P80,000 halaga ng shabu sa Buenviaje St. corner Coromina St.

Ayon kay Police Capt. Kerwin Evangelista ng Santa Cruz police, maituturing na nilang drug supplier ang suspek dahil sa dami ng drogang nasamsam nito.

Nasa isang buwan din umano ang itinagal ng surveillance operation bago lumutang ang suspek na ininguso ng mga nauna nang nahuling tulak.

Depensa ng suspek, naengganyo umano siya ng kaniyang kaibigan na lumuwas mula Cotabato para magbenta ng droga.

"Madali daw makakuha ng pera," aniya.—Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.