Tiyuhin, inireklamo ng panggagahasa ng 13 anyos na pamangkin

ABS-CBN News

Posted at Aug 27 2017 05:31 PM

Arestado ang 40 anyos na si alyas 'Marlon' matapos akusahan ng panggagahasa sa sariling pamangkin.

Kuwento ng ina ng 13 anyos na biktima, nakikituloy lang sa bahay nila sa Parañaque ang kapatid na suspek simula noong dumating siya mula sa probinsiya nito lang Lunes, Agosto 21.
    
Pero nitong Sabado, Agosto 26, nagduda ang ginang nang may narinig siyang ingay at umuga pa ang kama kung saan natutulog ang mag-tiyuhin.

Nagsumbong na ang bata tungkol sa kahalayan ng kapatid ng kaniyang ina.

Agad dumulog sa barangay ang mag-ina.

Ayon sa dalagita, tatlong beses na siyang hinalay ng tiyuhin habang wala sa bahay ang ginang na hanapbuhay ang pagtitinda.

Hindi matanggap ng ina ang nangyari sa anak, lalo't pinapadalhan pa niya minsan ng pera ang kapatid sa probinsiya.

Itinanggi naman ng suspek ang parating sa kaniya.

Nai-turn over na ang biktima sa women's and children's protection desk ng Parañaque police.

-- Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.