Paghahanap ng trabaho ng mga may kapansanan, mas pinadali

ABS-CBN News

Posted at Aug 27 2017 04:06 PM | Updated as of Aug 27 2017 11:36 PM

Isang indikasyon ng pag-unlad ng bansa ang may patas na oportunidad para makapaghanapbuhay ang lahat ng mamamayan nito.

Pero para kay Darlito Palermo, na nagtapos ng Electronics and Communications Engineering, mahirap pa ring makakuha ng trabaho ang mga tulad niyang may kapansanan.

Kaya swak para kay Palermo ang programang binuo ng National Council on Disability Affairs (NCDA) na naglalayong mabigyan ng mas maraming oportunidad ang Persons with Disabilities (PWD) sa Pilipinas.

Sa online program ng NCDA, maaaring makapagtrabaho ang mga PWD kahit nasa bahay lamang. Tulad ng call center job partnerships para sa mga kompanyang tumatanggap kahit may kapansanan. 

Para sa mga interesado, nasa website ng NCDA ang mga listahan ng kompanyang tumatanggap ng mga aplikanteng PWD.

Hinihikayat ng NCDA ang lahat ng mga may kapansanan na gamitin ang oportunidad na kumita kahit nasa bahay lang. Kailangan lang magrehistro online sa kanilang website para malaman ang inaalok na training at job opportunities sa mga PWD. 

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.