PatrolPH

Agusan del Sur isasailalim sa MECQ dahil sa mga kaso ng COVID-19

ABS-CBN News

Posted at Aug 26 2021 11:14 PM

Isasailalim ang Agusan del Sur sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ng dalawang linggo dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Sa ilalim ng executive order ni Agusan del Sur Gov. Santiago Cane na inilabas nitong Huwebes, magtatagal ang MECQ sa probinsiya mula Agosto 27 hanggang Septyembre 11.

Ayon sa opisyal, dulot ito ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa probinsya noong Agosto 1 hanggang Agosto 25. 

Base sa rekord ng DOH Caraga, tumama sa 100 ang pinakamataas na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa probinsya sa loob lang ng isang araw nitong linggo.

Pinaalalahanan ang mga residente sa pagsunod sa minimum health protocol sa pamamagitan ng pagsuot ng facemask at faceshield, pag-obserba sa social distancing at iba pa.

— Ulat ni Lorilly Charmane D. Awitan

KAUGNAY NA BALITA

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.