PatrolPH

2 inmate patay matapos 'mang-agaw' ng baril sa Marikina City Jail

ABS-CBN News

Posted at Aug 26 2021 08:21 PM

MAYNILA - Patay ang dalawang inmate matapos umano silang mang-agaw ng baril sa mga guwardiya sa Marikina City Jail nitong Huwebes.

Kinumpirma ito ng tagapagsalita ng BJMP-NCR na si JC Insp. Xavier Solda sa isang text message.

Ayon kay Marikina Mayor Marcy Teodoro nang-agaw ng baril ang mga inmate sa pagtatangkang makatakas bago mag-alas 6 ng hapon.

Nagkaputukan umano at agad ding nakaresponde ang mga pulis na malapit lang sa city jail. Hindi raw aabot sa 30 minuto at natapos din ang krisis sa naturang selda.

Sinabi ni Teodoro na ang pulisya ang magbibigay ng mga opisiyal na detalye. 

— Ulat ni Wheng Hidalgo, ABS-CBN News

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.