Higit P1-M halaga ng marijuana nasabat sa Quezon City; 2 timbog

ABS-CBN News

Posted at Aug 26 2020 11:13 PM

MAYNILA - Nasa P1.2 milyong halaga ng marijuana ang nasabat ng mga awtoridad sa isang buy-bust operation sa Commonwealth, Quezon City nitong Miyerkoles ng hapon.

Kalaboso din ang dalawang lalaking nasa drugs watchlist. Pinaghahanap naman ang isa pang suspek na nakatakas.

Ayon kay Police Lt. Col. Bernouli Abalos, hepe ng Kamuning Police, nasa 10 kilo ang marijuana na nasamsam mula sa mga suspek.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Naaresto din sa Fairview ang dalawang bagong tukoy na drug personalities na nakuhanan ng P81,600 na halaga ng hinihinalang shabu.--Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.