2 Chinese tiklo sa pagmamaneho nang lasing sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Aug 26 2019 11:36 AM | Updated as of Aug 26 2019 11:46 AM

MANILA - Inaresto ang 2 Chinese nationals na nagmaneho nang lasing sa Binondo, Maynila ngayong Lunes.

Mabilis ang pagmamaneho ng nakainom na driver na si Cai Fang Bin habang nagpakita naman ng kagaspangan sa mga awtoridad ang kasama nitong si Man Man Chen nang hulihin sila sa checkpoint sa kanto ng CM Recto at Sanchez Street, ayon sa Manila Police District.

Paso na rin anila ang registration ng sasakyan ni Cai at wala rin itong driver's license, dagdag ng pulisya.

Sasampahan si Cai ng kasong paglabag sa batas-trapiko habang si Man Man ay mahaharap sa kasong paglabag sa Revised Penal Code at disobedience to authorities.

Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.