De Castro bilang punong mahistrado: Inangalan, OK sa ilan

ABS-CBN News

Posted at Aug 26 2018 08:29 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Tinuligsa ng isang mataas na opisyal ng Simbahan ang pagpili ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Teresita Leonardo-De Castro bilang bagong punong mahistrado ng Korte Suprema.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, para lamang aniya sa "karangalan" na matawag bilang Chief Justice ang pag-upo ni De Castro dahil may higit isang buwan lamang ito para manilbihan.

"Wala naman siyang magagawa pa para Supreme Court in 41 days. Less than two months. It's just karangalan. It's just the position na matawag siyang CJ na siya'y mag-retire. It's not really for the cause of justice at all," ani Pabillo.

Ang ilang senador naman ay hati ang opinyon sa pagtatalaga kay De Castro.

Ayon kay Sen. Richard Gordon, malaki ang maitutulong kay De Castro ng mahigit na apat na dekada nitong karanasan sa hudikatura.

"She will do very well with her experience as a legal luminary for 45 years. Highly bright, competent, and a woman of the law," ani Gordon.

Umaasa naman si Sen. Sonny Angara na magdudulot ng pagkakaisa sa Korte Suprema ang pag-upo ni De Castro.

"We hope that she will help promote and protect judicial independence and the rule of law... Also our hope that her appointment signals the unity within the Supreme Court," ani Angara.

Kinuwestiyon naman ni Sen. Francis Pangilinan ang pagtalaga kay De Castro sa kabila ng maikling panahon ng paninilbihan. 

"Bakit kailangang magtalaga ng isang punong mahistrado na maninilbihan lang ng wala pang dalawang buwan? Anong kabutihan nito sa bayan? Anong halaga meron ito? Sayang," saad ni Pangilinan.

Nanawagan naman si Sen. Risa Hontiveros na maging mas mapagmatyag lalo na aniya na nakabinbin ang protesta ni Sen. Bongbong Marcos. 

"I call on the public to exercise extra vigilance in these extremely challenging times. In particular, the people should closely guard Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr.'s electoral protest and the case regarding the country's withdrawal from the International Criminal Court," ani Hontiveros.

— Ulat ni Abner Mercado, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.