6,000 estudyante lumahok sa Manila Bay clean-up drive

ABS-CBN News

Posted at Aug 26 2018 12:04 PM

MAYNILA- Aabot sa 6,000 estudyante mula sa iba't-ibang paaralan sa Metro Manila ang nagsagawa ng clean-up drive sa Manila Bay nitong Linggo.

Ang mga lumahok na estudyante ay mula sa Polytechnic University of the Philippines (PUP)-Manila, PUP-Taguig, University of Makati, San Beda University, Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology, Asian College, at Technological University of the Philippines.

Kasama rin sa clean-up drive ang iba't-ibang non-government organization at ilang ahensya ng gobyerno.

Ang nasabing clean-up drive ay bahagi ng programang Manila Bay Coastal Clean-up.

-- ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.