Lola patay sa Balintawak market matapos magulungan ng truck

ABS-CBN News

Posted at Aug 27 2017 02:38 AM

Nagulungan ng truck ang isang 81 anyos na lola sa Balintawak market nitong Sabado.

MANILA—Patay ang isang lola matapos magulungan ng truck sa Balintawak market, Sabado ng hapon. 

Kinilala ang nasawi na si Estelita Selorio, 81.

Kalunos-lunos ang sinapit ng matanda na nagulungan ng truck ang mismong ulo.

Ayon sa driver na si Ronnie Abad, tumingin siya sa gawing kanan para tingnan kung may sisingit na sasakyan ngunit nang umabante siya ay naramdaman na lamang niya ang paglundag ng truck na minamaneho niya.

Pagtingin niya sa kaliwang side mirror ng truck ay doon na niya nakita ang nakahandusay na biktima. 

Samantala, nanawagan naman ang traffic sector 1 ng Quezon City sa kung sino mang nakakakilala sa matanda na nakatira sa Kaunlaran Village, Navotas City.

Ilan sa mga nakuha mula sa bag ng nasawi ay ang dalawa niyang identification card at P620.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.