Ilang dam patuloy na magpapakawala ng tubig sa kasagsagan ni 'Jolina'

ABS-CBN News

Posted at Aug 26 2017 04:11 PM

Tatlong dam sa hilagang Luzon ang patuloy na magpapakawala ng tubig Sabado upang maiwasan ang pag-apaw ng tubig na maaring magdulot ng flashflood sa ilang komunidad.

Ayon kay Richard Orendain, PAGASA hydrologist, 4 na gate ng Binga Dam at Ambuklao Dam sa Benguet ang nakabukas habang 2 gate naman ng Magat Dam sa Isabela ang nagpapakawala ng tubig.

Patuloy na magpapakawala ng tubig ang mga dam hangga't hindi pa humuhupa ang tubig na naipon dahil sa lakas ng ulan na dala ng bagyong Jolina, dagdag ni Orendain.

Hindi bababa sa 4 na lugar ang nasa ilalim pa rin ng tropical cyclone warning signal no. 1 dahil sa patuloy na paglakas ng bagyo habang papalabas ng Philippine Area of Responsibility.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.