3 patay sa banggaan ng SUV at van sa Zamboanga del Norte

Dynah Diestro, ABS-CBN News

Posted at Aug 26 2017 11:43 PM

Isang compact SUV at van ang nagbanggaan sa Sindangan, Zamboanga del Norte nitong Sabado.

Patay ang dalawang driver at isang pasahero nang magbanggaan ang isang compact SUV at van sa Barangay Disud, Sindangan, Zamboanga del Norte nitong Sabado.

Hindi pa nakikilala ang driver ng van pero nakapangalan ang sasakyan sa isang Lloyd Asombrado na taga-Bukidnon, ayon sa pulisya.

Kinilala naman ang driver ng compact SUV bilang si Raul Lasay, 38 anyos na taga-Purok Malaumon, Iligan City.

Hindi pa tiyak ng mga awtoridad kung ilan ang pasahero ng compact SUV, habang pitong pasahero naman ang sakay ng van.

Galing Dipolog City ang compact SUV at patungong Sindangan, habang patungong Dipolog naman ang van.

Agad isinugod sa ospital ang mga biktima.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.