Maguindanao naitala ang kanilang unang COVID-19-related death

ABS-CBN News

Posted at Aug 25 2020 06:33 PM

COTABATO CITY — Kinumpirma nitong Martes ng Integrated Provincial Health office na nakapagtala ng kauna-unahang COVID-19-related death sa probinsya ng Maguindanao.

Siya ay isang 54 anyos na babae mula sa Rebuken sa bayan ng Sultan Kudarat na may chronic kidney disease at pulmonary tuberculosis.

Mayroon itong history of travel sa Davao City para sa medical consultation noong Agosto 4.

Noong Agosto 17, na-admit ito sa isang ospital sa Cotabato City dahil sa panghihina ng katawan.

Nakaranas ito ng myocardial infarction sa ikaapat na araw nito sa ospital. Nag positibo siya sa parehong rapid at swab test para sa COVID-19.

Pumanaw ang ginang dahil sa severe pneumonia.

Nagsagawa na ng contact tracing at isinailalaim na rin sa swab test ang mga nakasalamuha nito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.