Tinaguriang ‘most wanted’ na magkakapatid, timbog sa Batangas

ABS-CBN News

Posted at Aug 25 2019 12:44 AM

MANILA—Matapos ang mahigit isang dekada, inaresto na ang 3 magkakapatid na itinuturing na "Nos. 1, 2, and 3 most wanted persons" sa Batangas.

Sila ay mga magsasaka mula sa bayan ng Mulanay, Quezon.

Inaresto ang magkakapatid sa isinagawang operasyon ng Lobo Police sa Barangay Balibago, bayan ng Lobo, Batangas. Agad inaresto ang 3 sa bisa ng warrant of arrest na inilathala ng korte.

Ang magkakapatid ang itinuturong nasa likod ng pagpatay ng isang Antonio Dalisay noong 2007 dahil sa away sa lupa. — Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.