P6.8-M halaga ng 'shabu' nasamsam, 2 timbog sa Pasay drug bust

ABS-CBN News

Posted at Aug 25 2019 06:13 PM | Updated as of Aug 26 2019 07:36 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

(UPDATE) Nasa P6.8 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa buy-bust operation sa Pasay City, kung saan 2 suspek ang natimbog.

Sampung plastic bag na may lamang tig-100 gramo ng hinihinalang shabu ang nakuha sa paper bag ng mga suspek na sina alyas "Ahmed" at "Omar."

Dinampot ng mga awtoridad ang mga suspek matapos umanong makipagtransaksiyon ang mga ito sa kanila sa parking lot ng isang restoran sa may Roxas Boulevard.

Galing Lanao del Sur ang mga suspek at nagtatrabaho sa Metro Manila bilang mga vendor, ayon sa PDEA.

Nagsusuplay umano ang mga suspek ng droga sa mga lungsod ng Pasay, Makati, at Parañaque. 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002. 

Inaalam na rin ng PDEA kung sino ang pinagkukuhanan ng droga ng mga suspek. -- Ulat nina Jeffrey Hernaez at Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.