Mga pugad ng lamok sa Tacloban tinugis, sinira

ABS-CBN News

Posted at Aug 25 2019 01:08 PM | Updated as of Aug 25 2019 01:48 PM

Sa gitna ng dumaraming kaso ng dengue, tinugis at sinira noong Sabado ng mga tauhan ng pamahalaang lokal ng Tacloban City ang mga lugar na nagsisilbing pugad ng lamok.

Nilibot ng mga tauhan ng pamahalaang lokal ng Tacloban ang 60 barangay at sinira ang mga bahagi ng mga kabahayang maaaring pamahayan at pamugaran ng mga lamok, na sanhi ng dengue.

Tinuruan din ng grupo ang mga residente ukol sa mga lugar na maaaring pamugaran ng mga lamok at kung paano lilinisin ang mga ito.

Target ng pamahalaang lokal ng Tacloban na magbigay ng tamang kaalaman sa komunidad para maiwasan ng mga residente ang sakit na dengue.

Nasa 1,785 kaso ng dengue ang naitatala sa lungsod, ayon sa Tacloban City Health Office.

Magugunitang nagdeklara nitong buwan ang Department of Health ng national dengue epidemic bunsod ng pagtaas ng mga kaso ng dengue sa iba-ibang bahagi ng bansa.

Isinailalim na rin sa state of calamity ang Tacloban dahil sa dengue. -- Ulat ni Jenette Ruedas, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.