Fishball vendor patay sa pamamaril sa Imus

ABS-CBN News

Posted at Aug 25 2019 03:45 PM

Isang fishball vendor ang napatay nitong umaga ng Linggo sa Imus City, Cavite matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima bilang si Regino Atibagos, 24 anyos.

Nagtitinda sa gilid ng Advincula Avenue si Atibagos bandang alas-10 ng umaga nang pagbabarilin siya ng lalaking salarin, ayon sa paunang imbestigasyon ng pulisya.

Agad nakatakas ang salarin matapos ang pamamaril.

Inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng gunman at motibo sa pagpatay.-- Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.