Dating barangay chairman sa Agusan del Sur, patay sa pamamaril

Richmond Hinayon, ABS-CBN News

Posted at Aug 25 2019 06:11 PM

ROSARIO, Agusan del Sur -- Patay ang isang dating punong barangay sa bayang ito matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin pasado alas-5 ng hapon Sabado.

Kinilala ang biktima na si Teofilo Villafuerte, 62 anyos na dating punong barangay ng Cabantao.

Sa imbestigasyon ng Rosario police, bumisita lang sa piggery ang biktima nang biglang pagbabarilin ito ng salarin.

Sa crime scene, narekober ang iba't ibang basyo ng bala ng caliber .45 at 9-millimeter na baril. 

Patuloy pang inaalam ng pulisya ang motibo sa pagpatay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.