City hall employee kasama sa 3 na nahuli sa Dumaguete buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Aug 25 2019 05:07 PM | Updated as of Aug 25 2019 05:09 PM

Tatlo na tao, kasama ang isang empleyado ng pamahalaang lokal, ang natimbog sa buy-bust operation sa Dumaguete City, Negros Oriental noong Sabado.

Nangyari ang operasyon sa South Road, Barangay Calindagan noong gabi ng Sabado, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Kasama sa mga naaresto ang isang lalaking empleyado ng city hall ng Dumaguate, isa pang lalaki at isang babae.

Nakuha sa mga suspek ang 8 sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 10 gramo at nagkakahalagang P68,000.

Matagal nang nasa drugs watch-list ang 3 sa mga suspek, ayon sa PDEA.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165. -- Ulat ni Marty Go, ABS-CBN News