Bangkay ng lalaki natagpuan sa creek sa Iloilo City

ABS-CBN News

Posted at Aug 25 2019 12:44 PM

Natagpuan nitong Linggo ng umaga sa isang creek sa Mandurriao district, Iloilo City ang bangkay ng isang lalaking umano'y tumalon mula sa tulay.

Kinilala ang nasawi bilang si Ramcel John Porral, isang construction worker.

Tumalon umano noong Sabado si Porral sa tulay sa may Dungon Creek sa Mandurriao district.

Ayon sa kaanak ni Porral, nasa impluwensiya ng alak si Porral kaya tumalon sa creek.

Wala naman nakitang malalaking sugat sa katawan ng bangkay maliban sa ilang gasgas na posible umanong dulot ng mga bato sa paligid sa creek. -- Ulat ni Jennifer Garcia, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.