ALAMIN: Bakit nasa Ingles ang ating mga batas?

ABS-CBN News

Posted at Aug 25 2018 01:21 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Marahil nakakapagtaka na Ingles ang gamit sa pagsulat at pag-aakda ng mga batas kahit na Filipino ang ating wikang pambansa. 

Ito ang tinalakay sa "Usapang De Campanilla" nitong Huwebes: kung bakit Ingles ang gamit sa pag-aakda ng karamihan ng ating batas. 

Itinuturong dahilan dito ang paggamit ng Ingles sa mga debate ng Constitutional Convention nang binabalangkas pa ang Saligang Batas noong 1987. 

"Kapag nagkakaroon ng duda, sinusunod pa rin 'yung English, kasi 'yung debate na binuo ay Ingles," ani Atty. Noel Del Prado. 

Bagaman may Filipino na bersiyon ang ating Saligang Batas ay mas pinipiling gumamit ng Ingles sa korte para hindi magkalituhan sa mga terminong ginagamit sa batas. 

Dahil din dito, sa Ingles isinusulat ng mga court interpreter ang pagtatala sa mga pagdinig ng kaso. 

Gayumpaman libre ang pagpapasalin ng batas sa Filipino para sa mga di bihasa sa Ingles. 

"Serbisyo ng korte (iyan) na ibinibigay," ani Del Prado. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.