2 patay sa buy-bust sa CamSur

Rona Nuñez, ABS-CBN News

Posted at Aug 25 2018 11:57 AM

NABUA, Camarines Sur – Dalawang lalaki na nagtutulak umano ng ilegal na droga ang napatay matapos na manlaban sa awtoridad, Biyernes ng hapon sa Barangay Dolorosa sa bayang ito.

Bigla umanong bumunot ng baril ang mga suspek na sina Eric Escolano at Joselito Namia nang magpakilala ang mga pulis sa isinagawang buy-bust.

Narekober sa kanila ang 2 kalibre .38 na baril na may tig-5 bala, buy-bust money at 5 sachet ng hinihinalang shabu.

Ayon sa pulisya, matagal nang minamatyagan ang dalawang suspek na sakop ng operasyon ang probinsya ng Camarines Sur, lalo na ang ika-limang distrito nito.

Number 1 drug personality sa probinsya si Namia habang number 2 naman sa buong Bicol si Escolano.

Iniimbestigahan ng pulisya ang koneksyon sa 2 suspek ng may-ari ng bahay kung saan nangyari ang transaksyon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.