TINGNAN: SUV nahulog sa ilog

Cherry Palma, ABS-CBN News

Posted at Aug 25 2017 01:50 PM

Nahulog sa ilog ang isang SUV matapos iwasan ng driver nito ang paparating na sasakyang sumaklaw ng kanyang lane Biyernes ng umaga sa Iloilo.

Ayon sa driver ng SUV na si Randy de Pamaylo ng Lapaz, Iloilo City, ikinabig niya ang kanyang sasakyan upang iwasang mabangga ang paparating na behikulo na pumasok sa kanyang lane sa Barangay Nabitasan sa La Paz alas-11:30 ng umaga.

Sabi niya, inunahan umano ng nasabing sasakyan ang isang pedicab na mabagal ang takbo. 

Dahil dito, aksidenteng nagtuloy-tuloy sa ilog ang kanyang sasakyan.

Wala namang tinamong matinding pinsala sa katawan si de Pamaylo habang ang kanyang dalawang sakay ay nakauwi na matapos ang aksidente.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.