153 tiklo sa 'Oplan Pokemon' sa Cebu

ABS-CBN News

Posted at Aug 25 2017 09:04 PM

Naghihintay sa police station ang ilan sa 153 kataong naaresto sa Oplan Pokemon ng Cebu police.

MANILA - Kalaboso ang 153 katao sa ika-34 na operasyon sa ilalim ng "Oplan Pokemon" na isinagawa ng Cebu City Police Office, Biyernes. 

Kabilang sa mga nahuli ang 84 na gumagamit at nagtutulak ng bawal na gamot, 21 sangkot sa ilegal na sugal, 10 na may warrant of arrest at 8 na dawit sa illegal possession of firearms. 

Kasama sa mga dinampot sina Jobelon Soquib, pulis sa Barangay Talamban, at Stanley Coca, isang discharged na sundalo. 

Karamihan sa mga nahuli ay mga sumukong drug suspect na bumalik sa bisyo habang ang iba ay mga nakapiyansa sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga. 

Ang naturang operasyon ng pulisya ang may pinakamaraming nahuli sa ilalim ng Oplan Pokemon. -- Ulat ni Edgar Escalante, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.