PatrolPH

Mahigit P600,000 halaga ng drogang isinilid sa kahon ng face shield nasabat sa Maynila

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Aug 24 2021 06:28 AM | Updated as of Aug 24 2021 06:45 AM

Watch more on iWantTFC

Timbog ang isang drug suspek sa ikinasang buy-bust operation ng Philippine National Police drug enforcement group sa Baseco Compound sa Maynila Lunes.

Nagbenta ng P300,000 halaga ng hinihinalang shabu ang target na si alyas Blue, 32 .

Residente rin siya sa Baseco, at kilala umanong nagtutulak ng ilegal na droga. 

Kumpiskado sa kanya ang 2 plastic ng hinihinalang shabu na isinilid sa kahon ng face shield. 

May bigat itong 100 gramo at abot sa P680,000 ang halaga.

Ayon sa PDEG, miyembro ng sindikato ang suspek na nagtutulak ng ilegal na droga sa National Capital Region at mga kalapit-probinsya.

Nakatakas naman ang kasama niyang lalaki nang mangyari ang operasyon at pinaghahanap pa ng mga pulis.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.