PatrolPH

31 na ilegal umanong nangingisda sa Cavite, hinuli ng Philippine Coast Guard

ABS-CBN News

Posted at Aug 24 2021 02:59 AM | Updated as of Aug 24 2021 07:06 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Hinuli ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang nasa tatlumpu’t isang mangingisda na ilegal umanong nangingisda sa Ternate, Cavite.

Sa inisiyal na impormasyon mula sa PCG, nagpapatrolya ang kanilang mga tauhan sa karagatang sakop ng Ternate nang mahuli nila ang mangingisda sa bahagi ng Kayokno Island at Paniman noong Linggo.

Lulan ng limang bangka ang mga nahuling indibidwal.

Nang inspeksyunin ay walang naipakitang permit at iba pang kaukulang dokumento ang mga mangingisda para mapatunayan na puwede silang mangisda sa nasabing lugar. 

Gumamit rin sila ng mga air compressor sa panghuhuli ng isda na paglabag sa 1998 Fisheries Code of the Philippines.

Ipinagbabawal ang paggamit ng air compressor dahil sa panganib na dala nito sa kalusugan ng mga mangingisda. 

Kinumpiska ngayon ng PCG ang mga fishing gears habang inihahanda na ang mga kaso laban sa kanila.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.