Sumabak na sa hospital duty sa Metro Manila ngayong Lunes ang 11 medical frontliners mula Cagayan de Oro City na nag-volunteer para makatulong sa laban kontra COVID-19. Retrato mula kay Dr. Adriano Suba-an.
MAYNILA — Sumabak na sa hospital duty sa Metro Manila ngayong Lunes ang 11 medical frontliners mula Cagayan de Oro City na nag-volunteer para makatulong sa laban kontra COVID-19.
Narito sila para makatulong na mapunan ang numinipis na bilang ng frontliners sa National Capital Region (NCR) sa gitna ng pandemya.
"What happened was our division chief, Dr. David Mendoza, asked us, asked the body, nagtanong sya kung sinong gustong mag-volunteer.... Uma-attend talaga ako sa mga ganitong—you call this response—kasi parang naging advocacy ko na sya," ani Dr. Tristan Jediah Labitad, non-communicable disease cluster head ng Department of Health-Region 10.
Naka-assign siya sa mga hindi nakahahawang sakit, pero tinanggap niya ang hamon na mag-volunteer bilang frontliner sa Maynila.
Kasama ni Labitad ang 7 nurse at 3 medical technologist volunteers.
Nurses:
• Berdel Joseph Pasco
• Mariel Ishra Ladiza
• Ronello Lagare
• Niel Mark Casite
• Tricia Baconguis
• Rey Angelo Donggallo
• Trixie Galisa
Med-tech:
• Tim Hommer Palma
• Michelle Arrojado
• Christine Joy Gil
Ayon sa DOH Region 10, sila ang unang tumugon sa pakiusap ng central office na magpadala sa NCR ng mga medical personnel mula sa mga rehiyon.
"The plan is to come up with different teams... If there is a need to deploy another team para ma-quarantine na ang nauna, then (we'll send) another team para ma-sustain siya," ani Dr. Adriano Suba-an, regional director ng DOH Region 10.
Dalawang linggo lang dapat ang duty ng CDO team sa East Avenue Medical Center pero mismong ang grupo ang humiling na palawigin pa ito nang isang buwan.
"The spirit of volunteerism is grabe talaga because these are young generations. Yung mga kasama ko I think they are 27 years old below, yung mga kasama kong nurses and med-tech so full of energy pa sila," ani Labitad.
Labis naman ang pasasalamat ng pamunuan ng East Avenue Medical Center.
"Yung pagsang-ayon nyo na pagpunta sa amin kasi sadyang mataas ang COVID cases dito, and QC talaga ang number 1 sa NCR. Triple triple na pasasalamat namin at kayo ay nandito," ani Dr. Alfonso Nuñez III, OIC ng East Avenue Medical Center.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, balita, NCR, CDO, Cagayan de Oro City, frontliner, COVID-19, coronavirus, TV PATROL