Rollback sa petrolyo ipatutupad sa Agosto 27

ABS-CBN News

Posted at Aug 24 2019 05:52 PM

MAYNILA — Magkakaroon ng kakarampot na bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo simula Martes, Agosto 27.

Batay sa pagtataya ng mga taga-industriya, papalo sa P0.10 hanggang P0.20 kada litro ang mababawas sa singil sa gasolina.

Maglalaro naman sa P0.10 hanggang P0.15 kada litro ang rollback sa diesel at kerosene.

Tinatayang rollback simula Martes:

  • Gasolina → P0.10-P0.20/litro
  • Diesel → P0.10.P0.15/litro
  • Kerosene → P0.10-P0.15/litro

Ayon sa mga eksperto, lumakas ang imbentaryo ng gasolina at diesel ng Amerika, na sinabayan ng paglakas ng piso kontra dolyar.
    

—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.