P300K halaga ng shabu nasamsam, suspek arestado

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Aug 24 2019 01:55 PM

Narekober ng awtoridad mula sa suspek ang walong sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P300,000 ang halaga. Larawan mula sa Silay Police

Balik-kulungan ang isang 51-anyos na lalaki matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Silay City, Negros Occidental, Biyernes ng hapon.

Ayon sa pulisya, nasa target list at itinuturing na high-value target level 3 ang suspek.

Agad nilang minonitor ang suspek sa paglabas nito sa kulungan at napag-alamang patuloy pa rin ito sa kaniyang ilegal na aktibidad.

Nabawi sa suspek ang pitong sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P300,000 ang halaga.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.