4 sugatan sa salpukan ng trike, motorsiklo sa Maynila

Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Posted at Aug 24 2017 10:24 AM

MAYNILA - Sugatan ang apat na tao nang magsalpukan ang isang motorsiklo at isang tricycle sa Roxas Boulevard sa Maynila, Huwebes ng madaling araw.

Agad isinugod sa ospital ang rider ng motorsiklo na si Kim Bulatao at ang 3 hindi na nagpakilalang sakay ng tricycle.

Ayon kay Bulatao, biyaheng Binondo siya nang masalpok ang umano'y "beating the red light" na tricycle na papuntang Quirino.

Sa lakas ng banggan, tumilapon sa kalsada si Bulatao at nabasag pa ang suot niyang helmet.

Paalala naman ng mga awtoridad, bawal ang tricycle sa mga highway gaya ng Roxas Boulevard.

Maaaring patawan ng multa at ipakumiska ang tricycle ng sinumang lalabag dito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.