Suspek sa pagpatay sa nurse ng St. Luke's, sumuko na

Jeff Hernaez, DZMM

Posted at Aug 24 2016 02:44 PM | Updated as of Aug 24 2016 05:48 PM

Suspek positibo sa paggamit ng droga

MANILA - Sumuko sa Quezon City Police District (QCPD) Miyerkules ang suspek sa pagpatay sa nurse ng St. Luke's Medical Center na si September Ann Paz noong Sabado.

Kinilala ang suspek na si Jeffrey Guarin, 22-anyos na residente ng Barangay Kristong Hari, Quezon City.

Ayon kay QCPD Director Guillermo Eleazar, nakatira si Guarin sa boarding house ng biktima, kung saan niya ito natagpuang patay mula sa 19 saksak.

Bago ang krimen, nagkipag-inuman anya ang suspek at dahil sa sobrang kalasingan ay pinagnakawan ang tinutuluyan ng nurse.

Pero nagising si Paz sa gitna ng panloloob, dahilan para pagsasaksakin ng siya ng suspek.

Naunang sumuko si Guarin sa mga opisyal ng barangay na siyang nagdala sa kanya sa pulisya.

Nagpositibo rin sa drug test ang suspek, na kasusuko lang kamakailan sa Oplan Tokhang.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.