PatrolPH

10 anyos na babae patay sa sunog sa Davao del Sur

ABS-CBN News

Posted at Aug 23 2021 12:36 PM

Patay ang isang 10 taong gulang na babae matapos masunog ang bahay sa Santa Cruz, Davao del Sur noong hapon ng Linggo.

Ayon sa pulisya, iniwan saglit ng ina ang biktimang si "Lyca" para pumunta sa baybayin, na may layong 600 metro mula sa bahay sa Barangay Coronon.

Nang sumiklab ang sunog, sinubukan pa umano ng mga kapitbahay na iligtas si "Lyca" pero malaki na ang apoy.

Natagpuan na lang umano ang bangkay ng biktima matapos maapula ng mga bombero ang sunog.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, 20 minuto ang inabot sa pag-apula ng sunog.

Inaalam pa ng mga bombero ang sanhi ng sunog pati na ang halaga ng pinsala.

— Ulat ni Hernel Tocmo

FROM THE ARCHIVES:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.