PatrolPH

Bangkay ng babae natagpuang may 37 saksak sa Catbalogan

ABS-CBN News

Posted at Aug 23 2021 05:10 PM

Natagpuan sa Catbalogan City, Samar ang bangkay ng isang babae na nagtamo ng 37 na saksak, sabi ngayong Lunes ng pulisya.

Ayon sa Eastern Visayas police, kinilala ang biktima bilang si Margie Monarba, 26 at residente ng Barangay Silanga.

Unang naiulat na nagpaalam ang biktima sa kaniyang mister noong madaling araw ng Sabado na magbubukas ng tindahan pero hindi siya nakarating doon.

Bandang ala-1 ng hapon nang mahanap ang bangkay ng biktima na tadtad ng saksak at walang damit sa may bangin sa gilid ng kalsada.

Umabot sa P100,000 ang pabuya sa maaaring makapagbibigay ng impormasyon ukol sa salarin. Ang pabuya ay galing sa pamilya ng biktima at barangay officials ng Silanga.

Sinisikap naman ng pulisya na matukoy ang motibo ng krimen at salarin.

— Ulat ni Ranulfo Docdocan

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.