PatrolPH

Nagpanggap na recruiter ng mga pulis huli sa Cagayan

ABS-CBN News

Posted at Aug 23 2020 07:12 PM

Kalaboso noong hapon ng Sabado ang isang babae dahil sa umano ay ilegal na pag-recruit ng mga gustong maging pulis sa bayan ng Buguey, Cagayan.

Ayon kay Police Brig. Gn. Crizaldo Nieves, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Buguey Police Station ukol sa ginagawang pagre-recruit ng 21 anyos na suspek, na residente ng Barangay Paddaya Weste.

Sa imbestigasyon, natuklasang humihingi ang suspek ng P10,000 sa bawat aplikante kapalit ng pangakong mabilis na makapapasok ang mga ito sa kapulisan.

Ginagamit din umano ng suspek ang pangalan ng isang lokal na opisyal ng bayan ng Allacapan para makapang-biktima.

"Ang pag-a-apply bilang maging kasapi ng PNP any walang bayad," ani Nieves.

Mahaharap sa reklamong robbery extortion ang suspek.

-- Ulat ni Harris Julio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.