Pulis patay sa pamamaril sa Taguig

Fred Cipres, ABS-CBN News

Posted at Aug 23 2019 10:41 AM

MAYNILA - Patay ang isang pulis matapos barilin ng hindi pa kilalang salarin sa Taguig nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Patrolman Ralph Aquino, 31 anyos at nakadestino sa Police Community Precinct 8 ng Taguig City Police.

Sinundo ng isang alyas Toto si Aquino at pumunta sila sa bahay ng kaibigan nitong si Irene Pascua para dumalaw sa isang lamay nang bigla itong barilin sa ulo ng hindi kilalang gunman, ayon kay Police Col. Alex Santos, hepe ng Taguig Police.

Inaalam pa ang motibo sa pamamaslang pero isinantabi na ang anggulong may kaugnayan ito sa trabaho ng biktima, dagdag ni Santos.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.