P15-M halaga ng smartphones mula Korea nakumpiska sa NAIA

ABS-CBN News

Posted at Aug 23 2019 06:01 PM

MAYNILA — Nasa P15 milyong halaga ng smartphones at accessories nito ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Biyernes dahil umano'y kulang ang mga ito sa dokumento.

Ayon sa pahayag ng BOC, ipinadala sa 2 shipment ang mga cellphone, lithium batteries, at iba pang phone accessories pero wala namang maipakitang dokumento mula sa National Telecommunications Commission (NTC).

Paliwanag naman ng NTC, hindi sila nag-iisyu ng permit kung pangpersonal na gamit ang mga telepono pero ibang usapan na daw dahil 825 piraso ng smartphone ang nakuha dito.

Pinuri naman ng Samsung Philippines ang ginawa ng NAIA-Customs dahil napoprotektahan umano ang mga lehitimong importers at manufacturers laban sa pamamayagpag ng black market.


—Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.