ALAMIN: Mga isasarang kalsada sa Metro Manila, Agosto 23-27

ABS-CBN News

Posted at Aug 23 2019 05:06 PM

MAYNILA — Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magkakaroon ng road reblocking at repair sa iba't ibang bahagi ng Kamaynilaan simula alas-11 ng gabi Biyernes, Agosto 23.

Magtatagal ang pagkukumpuni hanggang alas-5 ng umaga ng Martes, Agosto 27.

Narito ang mga apektadong lugar:

SOUTHBOUND:

• EDSA cor. Bulacan St. hanggang Philam (unang lane mula sa center island)
• EDSA mula Magallanes – Baclaran Bus Stop hanggang Magallanes – Alabang Bus Stop (labas na lane)
• EDSA Eugenio Lopez – Sct. Borromeo
• Katipunan Ave. mula pagkatapos ng Boni Serrano Tunnel hanggang P. Tuazon St. (truck lane)
• Quezon City sa may EDSA Southbound sa pagitan ng West Avenue at Philam Village (restoration/concreting works)

EASTBOUND:

• Quirino Highway Theresa Heights at bago mag-Belfast (loobang lane)
• Elliptical Rd bago mag-Commonwealth Ave. (ika-7 lane mula sa labasang bangketa)
 
WESTBOUND:

• Novaliches General Luis bago mag-Oriental Tin

NORTHBOUND:

• EDSA Main Ave. hanggang P. Tuazon (unang lane mula sa bangketa)
• C-5 Road C.P Garcia Bridge
• Taguig City kaharap ng Palar Village

Nag-abiso ang MMDA sa mga motorista na maghanap na lang muna ng mga alternatibong ruta.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.