Higit 600 preso ng Manila City Jail, nagtapos sa sari-saring kurso

ABS-CBN News

Posted at Aug 23 2018 11:28 AM | Updated as of Aug 23 2018 01:00 PM

Iba't ibang kurso ang tinapos ng nasa 600 inmate ng Manila City Jail sa ilalim ng Aternative Learning System program ng Department of Education. Kuha ni Johnson Manabat

Matagumpay na nagtapos sa kanilang mga kinuhang vocational courses ang 617 inmates ng Manila City Jail male dormitory.

Sa isang simpleng seremonya nitong Huwebes sa loob ng City Jail, dumalo sa kanilang graduation ang mga bilanggo na nakatapos sa tinatawag na Alternative Learning System ng Department of Education.

May tema ang graduation ng inmates na "Bringing the Mountain to Mohammed" o Eskwela sa Bawat Brigada dahil bawat brigada sa City Jail ay may enrollees sa ALS.

Kabilang sa mga kursong alok para sa inmates ang "hilot and wellness" kung saan tinuruan ang mga ito na magmasahe o manghilot, gayundin ang kursong tile setting at pastry and bread making.

Layon ng programa na maturuan ang mga inmate ng bagong kaalaman na maaari nilang magamit paglaya nila mula sa kulungan.

—Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.