Motorcycle rider sugatan nang mabangga sa Tondo

April Rafales, ABS-CBN News

Posted at Aug 23 2017 08:38 AM | Updated as of Aug 23 2017 11:51 AM

Sugatan sa kanang mata, bibig, braso at hita ang 29-anyos na motorcycle rider na si Roland Villanueva, matapos ma-hit and run ng di pa alam na sasakyan pasado ala-una ng madaling araw sa Delpan Bridge na sakop ng Tondo, Maynila.

Natumba sa gitna ng daan si Villanueva at kanyang motorsiklo at hirap makatayo matapos ang aksidente.

Ilang minuto ang lumipas bago dumating ang rescue galing Red Cross.

Tumanggi namang magpa-interview si Villanueva. Pero ayon sa kanya, galing siya ng Ermita at pauwi na ng Navotas. Hindi naman niya masagot kung nakainom siya ng alak. Di rin niya namalayan kung anong nakabangga sa kanya.

Patuloy ang imbestigasyon ng traffic bureau. Umagang kay Ganda, 23 August 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.