Mga bitak sa Ormoc City Hall, nadagdagan matapos ang panibagong lindol

Sharon Carangue, ABS-CBN News

Posted at Aug 23 2017 12:15 PM

Photo Courtesy: Glenn Vergara

ORMOC - Nadagdagan ang mga bitak sa loob ng Ormoc City Hall matapos tumama ang 5.1 magnitude na lindol dito Miyerkoles ng umaga.

Inilabas ang mga mesa at gamit mula sa city hall upang pansamantalang gawin ang ilang transaksyon sa isang open area habang iniinspeksyon kung ligtas pa bang gamitin ang gusali.

Matatandaang nagkaroon na ng maliliit na bitak ang city hall dahil sa malakas na paglindol noong Hulyo.

Nauna nang sinuspinde ang klase sa ilang bayan sa Ormoc at Albuera matapos ang pagyanig.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.