Lalaki patay matapos mabundol ng ambulansya

Thea Omelan, ABS-CBN News

Posted at Aug 24 2017 03:06 AM

Patay ang isang lalaki matapos mabundol ng ambulansya ng bayan ng Bacacay, Sto. Domingo, Albay nitong Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Domingo Ballon, 22, na naisugod sa ospital pero idineklarang dead on arrival.

Ayon sa driver ng ambulansya na si Joseph Boticario, maghahatid sana siya ng pasyente sa ospital sa Legazpi City nang biglang tumawid ang biktima sa Barangay Lidong, bayan ng Sto. Domingo.

Hindi niya umano nakita ang biglang pagtawid nito lalo't napakadilim sa lugar.

Ayon sa Sto. Domingo police, hindi gumamit ng wangwang o blinker ang driver ng ambulansya na nagsisilbing babala sa mga motorista at sa mga pedestrian.

Imbes na lisensya, temporary operator's permit lang ang naipakita ng driver sa mga awtoridad.

Ibig sabihin ay una nang nagkaroon ng traffic violation si Boticario kaya kinumpiska ang kanyang lisensya.

Kaya dapat ay hindi ito nagmamaneho ng kahit na anong sasakyan, lalo na ng ambulansyang may lulang pasyente.

Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang driver ng ambulansya.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.