PatrolPH

66 bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Bacolod, Negros Occidental

Mitch Lipa, ABS-CBN News

Posted at Aug 22 2020 02:16 AM | Updated as of Aug 22 2020 08:32 AM

Nasa 38 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Bacolod City habang 28 na bagong pasyente ng naturang sakit ang naitala sa lalawigan ng Negros Occidental nitong Biyernes.

Sa pinakahuling tala na inilabas ng Center for Health Development ng Department of Health-Region 6, mayroon nang 875 coronavirus cases ang Negros Occidental habang 651 na ang naitalang kaso sa Bacolod.

Tatlo ang naitalang namatay sa Western Visayas nitong Biyernes, at dalawa dito ay mula sa Bacolod City at ang isa ay galing ng Iloilo.

Sa buong Western Visayas, may 3,257 na ang nagpositibo sa COVID-19 , at 1,746 dito ay active cases pa rin habang nasa 53 na ang namatay dahil sa naturang sakit.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.