P406-milyong UltraLotto jackpot, hindi pa rin napapanalunan

ABS-CBN News

Posted at Aug 22 2018 05:51 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Wala pa ring nanalo ng P406,162,932 jackpot prize sa UltraLotto 6/58 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes.

Walang nakakuha sa winning combination na 53-10-52-19-08-58.

Posibleng umakyat na ng P416 milyon ang jackpot prize sa susunod na bolahan.

Samantala, may isang nanalo sa P47 milyon jackpot prize ng Super Lotto 6/49.

Nakuha ng nasabing bettor ang winning combination na 29-17-09-19-28-04.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.