Retiradong pulis, anak patay sa pamamaril sa Mandaluyong

ABS-CBN News

Posted at Aug 22 2017 12:11 PM

MANILA - Patay ang isang retiradong pulis at kanyang anak matapos barilin ng mga hindi nakilalang gunman sa Barangay Hulo, Mandaluyong Lunes ng umaga.

Nakasakay sa isang Mercedes-Benz sina dating police Chief Insp. Hoover Pascual, kanyang anak na si Bryan Henrick Pascual at ang nobya nito nang pagbabarilin ang kanilang sasakyan pagdating sa Coronado Street.

Tumakas ang mga salarin sakay ng isang puting van.

Idineklarang dead on arrival ang mag-amang Pascual sa ospital. Hindi naman nasaktan ang kasintahan ni Bryan.

Hindi pa natutukoy ang motibo ng pamamaslang.

Narekober sa crime scene ang 4 basyo ng bala.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.