Mekaniko pinatay ng mga nagpanggap na customer sa Cebu

Donna Lavares, ABS-CBN News

Posted at Aug 22 2017 11:03 AM | Updated as of Aug 22 2017 11:04 AM

MINGLANILLA, Cebu - Pinagbabaril ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki ang isang mekaniko habang nagkukumpuni ng isang motorsiklo sa Barangay Linao-Lipata, Martes.

Ayon kay Chief Supt. Dexter Calacar, hepe ng Minganilla Police, bago ang pamamaslang kay Jerome Canido, nagpanggap munang mga customer ng tindahan ng motor ang mga suspek.

Pinag-aaralan pa ng mga pulis kung may kinalaman sa iligal na droga ang pagpatay kay Canido dahil may ilang testigo ang nagsabi na gumagamit ng droga ang biktima, dagdag ni Calacar.

Giit naman ng asawa ng biktima, hindi nasangkot sa kahit anong krimen ang kanyang yumaong mister.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.