Fastcraft, bumangga sa port ng Ormoc

Jenette Ruedas, ABS-CBN News

Posted at Aug 22 2017 12:30 PM

ORMOC CITY – Isang fastcraft ang bumangga sa daungan sa Ormoc City Lunes ng umaga.

Papuntang Cebu City sana ang Oceanjet 12 na may sakay na 210 pasahero at 20 crewmembers nang maganap ang aksidente.

Ayon sa report, paalis na sana ang vessel pero dahil sa lakas ng hangin at maalon, nahirapan itong mag-maniobra at bumangga sa fender ng port.

Posible daw na nabutas ang forward starboard ng fastcraft kaya't pinababa na rin ang mga pasahero.

Wala namang naiulat na sugatan sa aksidente.

Sa ngayon, nasa pier pa rin ang nasabing fastcraft.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.