Dating OFW na umano'y drug courier, timbog sa Cabuyao

Mariz Laksamana, ABS-CBN News

Posted at Aug 23 2017 01:55 AM

LAGUNA - Arestado ang isang dating overseas Filipino worker matapos ilaglag ng mga umano'y katransaksyon nito sa droga na nauna nang naaresto ng pulisya.

Nauna nang naaresto sa isang buy-bust sa Barangay Banlic sa Cabuyao si Jefferson Quiaonza.

Ayon kay Quiaonza, isang Johannes James Jugador ang nagdadala sa kanya ng supply ng shabu.

Agad naman naaresto si Jugador sa hiwalay na operasyon sa siyudad Linggo ng hapon.

Aminado si Jugador na siya umano ang nagdedeliver ng shabu palabas ng Taguig City.

Ilang buwan pa lamang umano sa pagbebenta ng shabu si Jugador na dating OFW sa Abi Dhabi.

Nakumpiska mula kay Jugador ang tatlong sachet ng shabu na may bigat na higit kumulang 60 gramo, na may street value na mahigit P157,000.

Balak namang makipag-ugnayan ng Cabuyao City Police sa Taguig City Police tungkol sa naarestong drug courier para makatulong sa mga susunod pang drug operations.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.